I.Buod
Umaga ng Disyembre. Sa Ilog Pasig ay sumasalunga ang Bapor Tabo. Lulan nito sa kubyerta sina Don Custodio, Ben Zayb, P. Irene, P. Salvi, Donya Victorina, Kap. Heneral at Simoun.
Napag-usapan ang pagpapalalim ng ilog Pasig. Mungkahi ni Don Custodio: mag-alaga ng itik. Ani Simoun namang kilalang tagapayo ng Kap. Heneral: Gumawa ng tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at sa look ng Maynila. Nagkasagutan sila ni Don Custodio at ng ilang pari. Ayaw ni Donya Victorina na matuloy ang pag-aalaga ng pato dahil darami ang balot na pinandidirihan niya.
II.Tauhan
Donya Victorina - Ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita.
Kapitan - Pinakamataas na pinuno ng Pilipinas noong panahon ng kastila.
Don Custudio - Ang kilala sa tawag na Buena Tinta.
Ben-zayb - Ang mamamahayag sa pahayagan.
Padre Irene - Ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila.
Simoun - Ang kilalang tagapayo ng Kap. Heneral.
Padre Camorra - Ang mukhang artilyerong pari.
Padre Salvi - Isa siyang payat at malungkuting prayle.
III.Suliranin sa kabanata
Ang suliranin o problema sa kabanata ang tumutukoy sa diskriminasyon sa kapwa tao. Ang kabanata I ay nagpapakita na ang mga mahihirap ay ipinagkaiba sa mga mayayaman o may kaya. Nailarawan din dito ang pagkawalan ng nationalismo ng mga Pilipino sa pamamgitan ni Donya Victorina dahil siya ay nagpapanggap o gusto maging isa sa mga dayuhan.
IV.Isyung Panlipunan
Ang diskriminasyon sa bawat isa at ang pagkawalan ng nationalismo sa sariling bansa.
V.Gintong Aral
Ang gintong aral na ating mapupulot sa kabanata na ito ay ang pagiging maunawain at pagmahal sa kapwa tao o kababayan. Dapat rin natin mahalin ang ating sariling bansa kahit nasa peligro dahil tayo at tayo lamang ang makakapagtanggol nito.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento